Pagtangkilik sa mga produktong-Pinoy hiningi ni Angara

SENATE PRIB PHOTO

Hiniling ni  Senator Sonny Angara ang lubos pagtutulungan ng lahat ng sektor para sa pagpapalakas ng mga lokal na industriya at produkto.

Nanawagan si Angara ng “total national effort” na nakasentro sa pagpapalago ng mga produktong Pilipino na de-kalidad at maipagmamalaki sa buong mundo. Inihain ng senador ang Senate Bill 2218 na nagaatas para sa pagbuo, pagpopondo, pagpapatupad, pagbabantay at pag-aaral para sa isang komprehensibong multi-year Tatak Pinoy Strategy. Tinukoy ni Angara ang ilang malalaking kompaniya sa buong mundo na may negosyo  rito sa Pilipinas na gamit ang ating manpower resources at raw materials. Kayat ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance na gamitin natin ang ating sariling kakayahan na makabuo ng mga produktong may export quality para makatulong  sa mga lokal na industriya, makapagbibigay ng dagdag na trabaho at maaabot pa ang hangarin na maisulong ang mga Tatak Pinoy na produkto. Iginiit ng senador na pagsikapan ng gobyerno at pribadong sektor na mapahanay sa mga mauunlad na bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga ‘complex products’ dahil kung titingnan ay mas competitive at mas maunlad ang mga bansang ito kumpara sa mga bansang gumagawa ng simple at limitadong produkto. Punto pa ng senador, kung nais ng gobyerno na tuparin ang nilalaman ng Philippine Development Plan at abutin ang target na 6.5 hanggang 8 percent na growth rate mula 2024 hanggang 2028, ay kailangang pagsumikapan ito ng pamahalaan.

Read more...