DBM aprubado ang P25.16-B para sa indigent Philhealth members

By Chona Yu May 25, 2023 - 12:39 PM
Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa P25.16  bilyong para sa isang taon na health insurance ng 8.4 milyong indigent Philhealth members. “President Ferdinand R. Marcos Jr. mandated his cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care. Pinamulat sa atin ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan po natin na ilapit ito sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa mga higit na nangangailangan,” pahayag ni Pangandaman, na pinirmahan ang  Special Allotment Release Order (SARO) noong Mayo 23. Huhugutin ang pondo sa authorized allotments sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (GAA) alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 11936. Matatandaan na noong  nakaraang Abril 4, inaprubahan din ng DBM ang pagpapalabas ng may kabuuang P42,931,355,000 na sakop ang isang taon na health insurance premiums ng higit 8.5 milyong senior citizens sa buong bansa. Ang mga indigent persons ay ang mga walang hanapbuhay o kaya naman ay hindi sapat ang kita para sa mga pangangailangan ng pamilya, na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS: DBM, philhealth, poor, DBM, philhealth, poor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.