Maaring ang pagpasok sa Philippine area of responsibility ng Super Typhoon Mawar ang maging hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).- Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) Chief Ana Liza Solis na inaasahan na opisyal na magsisimula ang panahon ng tag-ulan sa mga susunod na araw.
Ang naturang super bagyo ay maaring pumasok sa PAR bukas o sa Sabado.
Una nang inihayag ng ahensiya na maaring paigtingin ng papasok na bagyo ang pag-ulan na epekto naman ng habagat.
Sinabi naman ni senior weather specialist Chris Perez ang pag-ulan ay maaring makaapekto sa Mimaropa Region, Visayas at Mindanao simula bukas o Sabado.
Magiging maulan din sa Timog Luzon at Visayas dahil sa habagat sa araw ng Linggo at posibleng tumagal ng ilang araw.