Super typhoon Betty maaring hudyat ng simula ng tag-ulan

By Jan Ecosio May 25, 2023 - 10:08 AM

Maaring ang pagpasok sa Philippine area of responsibility ng Super Typhoon Mawar ang maging hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).- Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) Chief Ana Liza Solis na inaasahan na opisyal na magsisimula ang panahon ng tag-ulan sa mga susunod na araw.

Ang naturang super bagyo ay maaring pumasok sa PAR bukas o sa Sabado.

Una nang inihayag ng ahensiya na maaring paigtingin ng papasok na bagyo ang pag-ulan na epekto naman ng habagat.

Sinabi naman ni senior weather specialist Chris Perez ang pag-ulan ay maaring makaapekto sa Mimaropa Region, Visayas at Mindanao simula bukas o Sabado.

Magiging maulan din sa Timog Luzon at Visayas dahil sa habagat sa araw ng Linggo at posibleng tumagal ng ilang araw.

TAGS: habagat, Pagasa, super typhoon, tag-ulan, habagat, Pagasa, super typhoon, tag-ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.