Brillantes at Comelec officials kinasuhan ng P240 Million plunder

By Den Macaranas June 20, 2016 - 04:30 PM

brillantes
Inquirer file photo

Sinampahan ng kasong graft at plunder sa Office of the Ombudsman sina dating Comelec chairman Sixto Brillantes, ilang mga dati at kasalukuyang commissioners ng poll body at mga opisyal ng Smartmatic.

Sa kanyang isinampang reklamo, sinabi ni dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras na nagsabwatan ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Comelec at Smartmatic para sa P240 Million deal para sa repair ng 81,000 piraso ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines noong December 2014.

Maliban kay Brillantes, sabit din sa kaso sina dating commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusop at mga kasalukuyang opisyal na sina Christian Albert Lim at Al Parreno.

Kasama rin sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng Smartmatic na sina Cesar Flores, Elie Moreno at Marlon Garcia.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Paras na bagama’t hindi natuloy ang kasunduan ay maituturing umanong midnight deal ang nasabing kontrata at nagkaroon pa ng pabaon para sa mga nagretirong opisyal ng poll body.

Nakapagtataka rin ayon kay Paras kung bakit pursigido ang grupo ni Brillantes na mapunta sa Smartmatic ang kontrata samantalang pababa na sila sa pwesto noong mga panahong iyun.

TAGS: brillantes, comelec, paras, PCOS, smartmatic, brillantes, comelec, paras, PCOS, smartmatic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.