Escudero pinaaasikaso na ang insurance claims para sa nasunog na Central Post Office

By Jan Escosio May 25, 2023 - 09:58 AM

INQUIRER.NET PHOTO

Ipinagdiinan ni Senator Chiz Escudero na dapat manggaling mula sa fire insurance claims ang pondo para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng nasunog na Manila Central Post Office.   Ayon kay Escudero, bago pa man maglaan ng pondo ang pambansang gobyerno para sa rehabilitasyon ay dapat munang makolekta ang fire insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS).   Una nang kinumpirma ng GSIS na insured ng P604 million  ang Manila Central Post Office.   Pagpupunto ni Escudero, sa ilalim ng Property Insurance Law (RA 656), inoobliga ang lahat ng ahensya ng gobyerno, maliban ang ilang lokal na pamahalaan, na i-insure ang kanilang mga properties, assets, at mga interes mula sa anumang banta sa pamamagitan ng General Insurance Fund (GIF) na pinangangasiwaan ng GSIS.   Giit pa ng senador na dapat asikasuhin na ang insurance claims para mapondohan sa lalong madaling panahon ang pagsasaayos sa post office building.   Kasabay nito ay nanawagan si Escudero sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na sumunod sa memorandum ng Commission on Audit (COA) at tiyakin na insured ang kanilang assets at properties.

TAGS: GSIS, insurance, post, GSIS, insurance, post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.