P4.3-M halaga ng ayuda ibinahagi ng DAR sa Tarlac farmers’ coops
Aabot sa P4.3 milyong halaga ng organic fertilizers, farm machineries and equipment (FMEs) ang ipinamigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pitong agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) sa Tarlac.
Ayon kay Marie Louie Cabantac, Provincial Agrarian Reform Program Officer, layunin ng ayuda na mapabuti ang produkto at kalidad ng buhay ng 462 miyembrong agrarian reform beneficiary (ARB).
Aniya ang mga FME ay bahagi ng major-crop based block farm productivity enhancement project sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) at Sustainable Livelihood Support for Disaster Affected Areas (SLSDAA) ng DAR.
“Ang CRFPS ay nagkakaloob ng mga makinang pangsaka, sa pamamagitan ng mga ARBO, upang mapabuti ang produksiyon sa sakahan at tumaas ang kakayahang kumita ng mga ARB,” ayon pa din kay Cabantac.
Nagpasalamat maman si Rosemilmar Eugenio, Chairperson ng Sta. Ines Golden Grains PMPC mula sa Sta. Ignacia, sa suportang natanggap ng kanilang kooperatiba.
“Kami ay nagpapasalamat sa DAR sa malaking tulong para sa aming kooperatiba, makatitiyak po kayo na ang kagamitan na aming natanggap ay aming pananatilihin at aalagaan upang mapahusay ang produktibidad ng agrikultura sa mga lupang iginawad sa mga ARB,” pahayag ni Eugenio.
Nilagdaan din ng mga tagapangulo ng mga organisasyon ng mga magsasaka ang isang Trust Agreement para sa maayos na operasyon at pagpapanatili ng makinarya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.