424 bilyong pisong lump sum, ilegal

July 14, 2015 - 08:01 PM

Inquirer file photo

Iligal ang 426 bilyong pisong lump sum na nakapaloob sa 2015 National Budget.

Paliwanag ni Senador Sergio Osmeña, ito ay dahil sa maihahalintulad pa rin ang lump sum bilang pork barrel funds ,yun nga lang itemized na ito sa kasalukuyang budget.

Kinontra rin ni Osmeña ang katwiran ni senador Francis Escudero, chairman ng senate Committee on Finance na hindi iligal ang lump sum at iginiit na temporary lamang ito dahil hindi naman daw maaring ilabas ang pondo hangga’t walang itemized listing mula sa Department of Budget and Management at Commission on Audit.

Paliwanag ni Osmeña, mas magiging prone ito sa korupsyon dahil madali itong mare-realign sa ibang proyekto.

Aminado si Osmeña na noon pa man, batid niyang kargado pa rin ng pork barrel funds ang pambansang budget.

Hindi na lang aniya siya umimik dahil wala rin namang mangyayari ang kanyang pagtutol.

Hindi rin aniya malayo na makasingit pa rin ang pork barrel funds sa 2016 National Budget na aabot sa mahigit tatlong trilyong piso./Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.