Sen. JV Ejercito inihirit ang “performance audit” sa NGCP, energy agencies
Hindi napigilan ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na ilabas ang kanyang pagkadismaya sa kabiguan ng mga kinauukulang ahensiya na lubos na maipatupad ang Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, iginiit ni Ejercito na ang layon ng EPIRA ay magkaroon ng kompetisyon sa industriya ng enerhiya upang bumaba ang halaga ng kuryente sa bansa.
Ipinunto ni Ejercito na makalipas ang 23 taon, tanging ang pagsasapribado ng mga planta ng kuryente ang nagawa alinsunod sa batas.
“It is probably time to consider reviewing EPIRA as a whole, conduct a performannce audit of the different energy entities, including National Grid Corporation of the Philippines and see if they performed up to par,” diin ni Ejercito.
Nabanggit din niya na ang isyu ay may kinalaman din sa pambansang seguridad.
Una nang nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Ejercito isyu dahil malaking bahagi ng NGCP ay pagmamay-ari ng gobyerno ng China.
Ipinatawag ang pagdinig dahil sa naranasang krisis sa kuryente sa ilang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.