Dating Sen. Ernesto Maceda buhay ayon sa kanyang anak

By Jan Escosio June 20, 2016 - 04:08 PM

maceda
Inquirer file photo

Nilinaw ng kampo ni dating Senate President Ernesto Maceda na buhay pa ito at sumailalim sa operasyon sa St. Luke’s Medical Center.

Ayon kay Ernesto Maceda Jr., ilang araw nang dumadaing ng pananakit ng dibdib ang kanyang ama kaya’t dinala na nila ito sa ospital.

Reaksyon ito ng anak ng dating senador sa mga kumalat na balita na sumakabilang buhay na ang kanyang ama. Mamayang gabi ayon kay Ernesto Jr. ay magpapalabas na sila ng opisyal na pahayag hinggil sa tunay na kalagayan ng kanyang ama.

Nauna nang lumabas ang mga balita na namatay ang dating mambabatas makaraan siyang lagyan ng pacemaker base na rin sa pahayag ng kanyang kaibigan at dating staff na si Jimmy Policarpio.

Kanina ay nagpahatid na rin ng pakikiramay sa mga kaanak ni Maceda sina Sen. Mirriam Defensor-Santiago at Sonny Angara.

TAGS: ernestyo jr., maceda, st luke's medical center, ernestyo jr., maceda, st luke's medical center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.