“Exorcist priest” inaresto sa biro sa Birheng Maria

VERITAS FB PHOTO

Inaresto ng mga tauhan ng PN- Criminal Investigation and Detection Group CCIDG) ang isang 57-anyos na pari dahil sa kasong pananakit ng damdaming pang-relihiyon o offending religious feelings.

Inaresto Fr. Winston Fernandez Cabading sa St. Mary Magdalene House sa Caleruega Road, Barangay Batulao Kaylaway sa Nasugbu, Batangas.

Si Cabading ay nakatalaga sa Archdiocese of Manila-Office of Exorcism.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arresr na inisyu ni Judge Madonna Concordia Echiverri,ng Quezon City RTC Branch 81, Quezon City at nirekomendahan ng P18,000 piyansa.

Inireklamo si Cabading ni dating Justice Harriet Demetriou  dahil sa umanoy pagbibiro sa Birheng Maria sa isang kumperensiya sa Lipa City, Batangas.

 

 

Read more...