Bikoy na nag-akusa kay dating VP Leni swak sa perjury
Nasentensiyahan ng isang korte sa Maynila sa kasong perjury si Peter Joemel Advincula, ang umamin na si “Bikoy” na naglabas ng “Ang Totoong Narcolist” viral videos.
Hinatulan ni MeTC Judge Karla A. Funtila-Abugan, si Advincula ng pagkakakulong ng tatlong buwan hanggang isang taon.
Nilitis si Advincula base sa reklamo nina Free Legal Assistance Group (FLAG) members — Chairperson Jose Manuel “Chel” Diokno, dating Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tanada III, at FLAG Metro Manila chairperson at dating Supreme Court (SC) spokesperson Theodore O. Te.
Inakusahan ni Advincula ang tatlo na kabilang sa ‘Project Sodoma,’ ang plano laban sa noon ay administrasyong-Duterte.
Ang mga sinumpaang salaysay ni Advincula ukol sa ‘Project Sodoma,” ang pinagbasehan ng CIDG-NCR para kasuhan ang tatlong abogado, kasama na si dating Vice President Leni Robredo at 36 iba pa ng sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal, at obstruction of justice.
Ibinasura naman ng DOJ ang kaso laban kina Robredo at ilan pa sa mga kinasuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.