Uumpisahan na ng government prosecutors ang pormal na pag-iimbestiga sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam iba pa noong Marso 4.
Ito ang ibinahagi Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon at aniya naibigay na sa “panel of prosecutors” ang mga ulat sa mga bagong kaso na isinampa naman ng National Bureau of Investigation,
Kasama na sa mga ito ang mga bagong reklamo ng pagpatay na isinampa laban kay suspended Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.
Una nang naituro si Teves na isa sa mga utak sa pagpatay kay Degamo.
Ilang ulit nang itinanggi ng mambabatas na may kinalaman siya sa pagpatay sa gobernador.
Nasa kustodiya ng gobyerno ang 11 suspek sa kaso.
MOST READ
LATEST STORIES