Pasay City karaoke bar ni-raid ng NBI dahil sa “laughing gas”

By Jan Escosio May 24, 2023 - 04:15 PM

Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang karaoke bar sa Pasay City.

Isinagawa ang operasyon base sa impormasyon na nag-aalok sa kanilang kustomer ang GENZ KTV, na matatagpuan sa EDSA, ng N2O na mas kilala naman na ‘Laughing Gas.’

Nabatid na walong indibiduwal ang naaresto sa operasyon.

Ang N2O ay isang uri ng chemical compound na itinuturing na “volatile substance” sa ilalim ng Presidential Decree 1619.

Nakumpiska sa establismento ang 22 tangke ng N2O at 12 pakete ng uninflated balloon.

Bukod dito, nakumpsika din ang isang baril, tatlong magazine at 25 bala para sa kalibre .45 na baril.

 

TAGS: ktv bar, NBI, Pasay City, ktv bar, NBI, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.