Go inialay si dating Pangulong Digong na anti-drug czar ni PBBM

By Chona Yu May 24, 2023 - 03:42 PM

Nais ni Senator Christopher Go na ibalik ang kamay na bakal ni dating Pangulong Duterte sa anti-drug war campaign ng bansa.

Sa pagbisita ni Go sa mga nasunugan sa Sta Cruz, Manila, sinabi nito na dapat na italaga si Duterte bilang anti-drug czar.

Pero bahala na aniya si Pangulong Marcos Jr. kung pakikinggan ang kanyang suhestyon upang bumalik  ang takot sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Dismayado si Go sa nadiskubreng kalokohan ng mga pulis sa pagdinig ng komite ni Sen. Ronald dela Rosa.

Kung sino pa kasi aniya ang naatasan na magbigay proteksyon sa tao ay siya pa ang unang lumalabag sa batas.

Paniwala ni Go seryoso naman ang administrasyong-Marcos sa paglaban sa ilegal na droga ngunit giit lang din niya kailangan ay kamay na bakal at tapangan pa ang operasyon para hindi muling mamayagpag ang mga nasa ilegal na droga.

Matatandaang nasa mahigit anim na libong drug personalities ang napatay sa anti drug war campaign ni Duterte.

TAGS: drug war, PNP, police scalawags, drug war, PNP, police scalawags

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.