‘Matitigas’ na resource persons sa Senate hearing, palalambutin

By Jan Escosio May 24, 2023 - 03:11 PM

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maraming opsyon upang pilitin ang mga resource person na makipagtulungan sa isinasagawang “investigation in aid of legislation” ng mga komite ng Senado.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag kaugnay sa pagtatanong ni Sen. Robin Padilla kung ano pa ang maaaring gawin ng Senado upang makuha ang kooperasyon ng mga pulis na iniimbestigahan kaugnay sa umano’y pagtatangkang cover up ang pagkakasabat ng P6.7 bilyong halaga ng  shabu mula sa isang pulis. Sinabi ni Zubiri na totoong nakakagigil at nakakagalit ang aksiyon ng mga pulis na humarap sa pagding ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na tila pinaglalaruan at pinaiikot ang mga senador. Ipinaliwanag ng senador na bukod sa contempt ay maaari ring magsampa ng class suit ang Senado sa mga pulis na tila umaabuso na sa paggamit ng kanilang “right against self incrimination” at “right to remain silent.” Maaari ring irekomenda ng Senado sa PNP at Napolcom na isailalim sa suspensyon ang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado upang sila ay madisarmahan. Nagbabala rin si Zubiri na posibleng matagalan din sa pagkakakulong ang mga pulis na na-cite for contempt hanggat hindi sila handang makipagtulungan. Iginiit din niya na may kapangyarihan ang Senado na patagalin ang contempt charges laban sa mga ito hanggat hindi natatapos ang regular sesyon ng Kongreso.

TAGS: contempt, inquiry in aid of legislation, Senate, contempt, inquiry in aid of legislation, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.