Loren sinabing hindi dapat i-demolish ang nasunog na Central Post Office

By Jan Escosio May 24, 2023 - 01:17 PM

INQUIRER.NET PHOTO

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na hindi dapat tuluyang buwagin ang nasunog na Manila Central Post Office.

“We should not take down the building but consider adopting the concept of adaptive reuse, that instead of destroying our heritage structures, we can restore them and use them for a new purpose. This is already being done in Intramuros, and there is no reason why it cannot be done in other parts of the country,” aniya.

Dagdag ni Loren ang dapat gawin ay alamin ang puno’t dulo ng sunog na tumupok sa naturang gusali sa Plaza Lawton.

Dapat din aniya ay maglaan ng pondo para sa  conservation management plan, structural integrity studies, at restoration and retrofitting.

Maari din ikunsidera, dagdag pa ng senadora, na ipagbili na lamang ang gusali sa National Museum o sa ibang kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Aniya maghahain siya ng resolusyon para sa pangangalaga at proteksyon ng mga makasaysayang istraktura sa bansa,

 

 

TAGS: national museum, national museum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.