P5-B para sa BARMM aprub na sa DBM
By: Chona Yu
- 2 years ago
Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) na P5 bilyon para sa Special Development Fund (SDF) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inilabas ang pondo alinsunod na rin sa Section 2, Article XIV ng Republic Act 11054 na nag-oobliga sa national government na maglaan ng P5 bilyong pondo kada taon para sa BARMM government sa loob ng 10 taon.
Gagamitin ang pondo para sa rebuilding, rehabilitation, at development sa mga conflict-affected communities.
“Tulad po ng ipinangako ko, at alinsunod po sa tagubilin ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy po ang DBM na aalalay sa BARMM sa abot ng aming makakaya. We will ensure that we will help in its smooth transition process and strengthening its communities,” pahayag ni Pangandaman.
Sabi pa niya: “Umaasa po kami na magagamit ng wasto ang pondong ito para matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa BARMM. We hope that BARMM takes advantage of this funding by fully utilizing it to help those in need, and to improve areas that needs further development,” pahayag ni Pangandaman.
Pinakahuling gulo na nangyari sa BARMM ang limang buwang giyera sa Marawi City kung saan sumalakay ang teroristang grupo na Maute.
Umabot sa P17bilyong halaga ng ari-arian ang nasira sa naturang giyera.
Nasa P64. 76 bilyon pondo ang inilaan ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. para sa BARMM’s Annual Block Grant at P5.0 bilyon para sa Special Development Fund (SDF)