PBBM Jr. sa DICT: Tulungan ang LGUs sa e-government system

By Chona Yu May 24, 2023 - 09:06 AM

DICT PHOTO

Inatasan na ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palakasin pa ang kapasidad ng local government units (LGUs) para sa e-government system.

Ayon sa Pangulo, ito ay para makasabay ang LGUs sa isinusulong na digitalisasyon ng administrasyon. “Let’s capacitate our LGUs so they can adapt to the system,” bilin ni Pangulong Marcos kay DICT Secretary Ivan Uy. Sabi naman ni Uy, tiyak na malaki ang matitipid nf LGUs at mapalalakas ang kita kapag naipatupad ang bagong sistema. “So medyo gagaan ‘yung ano natin downloading. Makakatipid ho sila dito. And their income generation capacity will increase tremendously because there will be efficiencies in the collection,” pahayag ni Uy. Utos pa ng Pangulo kay Uy, palaging magsagawa ng regular updates.  *“So again it all boils down to that. That’s really the essence of digitalization. Let’s be sure that we are able to upgrade this system. Set it up to get them (LGUs) ready, so they know how to operate it,” pahayag ng Pangulo. Disyembre ng nakaraang taon nang ianunsyo ng DICT ang e-Gov system kasama na ang  e-Gov Super App. Nasa ika-71 na puwesto ang Pilipinas sa 131 na bansa sa global Network Readiness Index noong 2022.

TAGS: dict, digitalization, E-Government Act, LGUs, dict, digitalization, E-Government Act, LGUs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.