1st QC Green Awards sa barangay, SK, youth groups, negosyo

QC LGU PHOTO

Bibigyang pagkilala ng pamahalaang-lungsod ng Quezon  ang may pinakamagandang solusyon sa climate change at disaster risk reduction and management initiatives.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, inilunsad ang unang Green Awards para mahikayat ang mga residente na makiisa ssa climate action ng lungsod. Bibigyang pagkilala  ang mga barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at mga businesses establishment na magpapatupad ng  outstanding at inclusive programs sa Disaster Risk Reduction at Climate Action. “The collaboration and cooperation of the community and various stakeholders play a big role in disaster preparedness and  addressing the adverse impact of the climate crisis. The city’s resiliency and climate action will not come into fruition without the support of every QCitizen,” pahayag ni Belmonte. May tatlong kategorya aniya ang parangal –  Green Award, Resiliency Award, at Green and Resilient Champion. Maating magparehistro ang mga nagnanais na  sumali sa  QC Green Awards microsite (greenawards.quezoncity.gov.ph), at magsunite ng mga requirements sa  official email address na greenawards@quezoncity.gov.ph. Magsisimula ang submission of entries sa  Hunyo 1 hanggang Hukyo 15, 2023 para sa parangal sa Oktubre. “With the QC Green Awards, we hope to engage more QCitizens in our efforts towards our vision of establishing a liveable, green, sustainable, climate and disaster resilient future for all,” pahayag ni Belmonte.

Read more...