Tinamaan ng magnitude 5 earthquake ang bayan ng Kiamba sa Sarangani kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tectonic earthquake ay naitala alas-1:04.
Intensity 4 o “moderately strong” shaking ang narandaman sa T’Boli sa South Cotabato, samantalang intensity 3 o “weak” shaking naman ang naitala sa Koronadal, Suralla, Banga, Tupi, at Lake Sebu sa South Cotabato, Esperanza sa Sultan Kudarat, at Don Marcelino in Davao.
Intensity 2 o “slightly felt” shaking naman ang naramdaman sa Norala, General Santos, Tampakan, at Isulan sa South Cotabato at President Quirino sa Sultan Kudarat.
Samantala intensity 1 o “scarcely perceptible” shaking ang naramdaman sa Maasim sa Sarangani.
Nagbabala ang Phivolcs ng aftershocks ngunit hindi inaasahan na nagdulot ito ng mga pinsala.