Mga bagitong kongresista sumalang na sa lawmaking crash course

By Isa Avendaño-Umali June 20, 2016 - 03:00 PM

congress (1)
Inquirer file photo

Nag-umpisa na ngayong araw (June 20) ang orientation para sa mga bagong magiging miyembro ng Mababang Kapulungan para sa 17th Congress.

Umaabot sa bilang na 108 ang mga incoming Congressmen, kung saan 68 ay mga bagito habang 40 ang comebacking o mga dati nang Kongresista na magbabalik-Kongreso.

Para sa unang batch, 38 ang sumailalim sa Executive Course on Legislation na pinangangasiwaan ng House of Representatives sa pakikipagtulungan ng UP Center for Policy and Executive Development.

Kabilang dito sina dating MMDA Chairman Bayani Fernando na ngayon ay kinatawan ng unang distrito ng Marikina; dating konsehal Yul Servo na ngayon ay kinatawan ng Maynila at Atty. Harry Roque na kinatawan ng Kabayan partylist.

Hinati ang mga bagong Kongresista sa 3 batches kung saan ay tatagal ang orientation ng unang batch hanggang Huwebes, samantalang ang 2nd batch ay sa June 27 hanggang 30 at ang pangatlong batch ay sa July 4 hanggang 7.

TAGS: 17th congress, batasan complex, congressmen, U.P, 17th congress, batasan complex, congressmen, U.P

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.