Grab: Motorcycle Taxi Law papabor sa mga komyuter

By Jan Escosio May 23, 2023 - 06:09 PM

SENATE PRIB PHOTO

Para sa benepisyo ng mga mananakay ang pagkakaroon sa bansa ng Motorcycle Taxi Law.

Ito ang ibinahagi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services and Local Government, na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe. Ipinatawag ni Poe ang pagdinig upang matalakay ang mga panukalang-batas ukol sa pagkilala sa mga motorsiklo bilang public utility vehicle (PUV) sa pamamagitan ng paggamit bilang motorcycle taxi. Sinabi pa ni Heng na kung maisasabatas ang mga panukala, mahihikayat ang pagpasok ng karagdagang mga motorcycle taxi companies kayat magkakaroon ng karagdagang opsyon ang mga mananakay “Grab believes that a well-regulated and inclusive framework for motorcycle taxis in the Philippines can bring significant benefits,” sabi pa ni Heng. Dagdag pa niya: “Passing a law that regulates motorcycle taxis stabilizes the regulatory environment, which will encourage healthy competition.” Nabanggit pa nito na mas magiging kapakipakinabang kung agad na magiging batas ang mga panukala dahil aniya sa ngayon  ay may tatlo lamang na kompaniya ng motorcycle taxis sa bansa, ang Joyride, ang Angkas at ang Move It. Ang tatlong kompaniya ay binigyan ng provisional authority to operate ng Department of Transportation (DOTr) para makabiyahe sa Metro Manila. Ang Angkas ang pinakamalaki sa tatlong kompaniya sa kanilang 30,000 riders at hawak ang 50 percent market share. Magugunita na noong Enero 2020 sinubukan ng Angkas na harangin ang pagpasok ng Move It at Joyride kasabay nang pagkuwestiyon sa paglimita sa bilang ng mga riders sa pamamagitan ng petisyon sa isang korte sa Quezon City para sa pagpapalabas ng temporary restraing order (TRO).

TAGS: commuter, dotr, Grab, Motorcycle Taxi, commuter, dotr, Grab, Motorcycle Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.