Gentle Hands Inc. isinarado na ng DSWD

By Chona Yu May 23, 2023 - 04:43 PM

Isinarado na ng Department of Social Welfare and Development ang operasyon ng bahay ampunan na Gentle Hands Incorproated sa Quezon City.

Ito ay matapos personal na inspeksyunin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang bahay ampunan at makataan ng maraming violations.

Isa sa mga nakita ni Gatchalian ay ang over population.

Nabatid kasi na nasa 80 bata lamang ang kapasidad ng bahay ampunan. Pero ayon kay Gatchalian, nasa 149 ang batang nagsisiksikan.

Sabi ni Gatchalian, walang sapat na bentilasyon sa bahay ampunan at nakakalat ang mga basura. Maging ang mga fire exits aniya ay may nakakabit na bakal o grills.

“The worst part of it all is we saw the fire exits and they were sealed or may mga grills. That was not acceptable to us. That’s a walking fire truck so those are the three things,” sabi ni Gatchalian.

Hindi aniya pasok sa standards ng DSWD ang hygiene sa DSWD.

Ayon kay Gatchalian, wala rin aniyang social worker o house parent nang inspeksyunin ang bahay ampunan.

“It’s a recipe for disaster. What if an accident happens and the fire exits are sealed? Right there and there mali na nga kasi the ratio of adult supervision or professional supervision to the population lagpas na eh,” pahayag ni Gatchalian.

Sinabi pa ni Gatchalian na isang Caucasian din ang kanyang nakita na palakad lakad sa loob ng bahay ampunan.

“What struck me as something peculiar was nasa door ako and ayaw ako papasukin, the social workers had to explain to the guard and to the kasambahays kung sino kami. An unsupervised white Caucasian, male, just walked out of the facility. So, ang point ko, if it’s unsupervised kasi ang reason bakit daw bawal ako pumasok kasi wala daw doon ‘yung mga houseparents, wala doon ‘yung mga guardians, wala doon lahat. Eh bakit mayroong adult, male, Caucasian, just walking freely unsupervised?” dagdag ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, binigyan na ng DSWD ng cease and desist order ang Gentle Hands at binigyan ng 20 araw na sagutin ang naturang kautusan.

Sa ngayon, kinuha na ng DSWD ang kostudiya sa 149 na bata.

“Because nga may mga immediate imminent danger findings na kami. Kasi tinatanong daw sa amin, bakit ang bilis, precisely dapat mabilis, because there is imminent danger and we have to make sure that children are protected, hindi na kami mag-aantay na may masaktan pa bago kami gagalaw,” pahayag ni Gatchalian.

 

 

TAGS: ampon, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian, ampon, news, Radyo Inquirer, rex gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.