5 pulis na-contempt sa “shabu haul cover up hearing”

By Jan Escosio May 23, 2023 - 02:19 PM
Na-cite for contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang limang pulis kaugnay sa imbestigasyon sa 990 kilos na shabu na nasabat sa Maynila noong nakaraang Oktubre. Ang lima ay sina Police Master Sgt. Carlo Bayeta, Patrolman Hasan Kalaw, Patrolman Dennis Carolina, Patrolman Rommar Bugarin at Patrolman Hustin Peter Gular. Ang desisyon ng komite ay bunga ng pagmamatigas ng lima na hindi sila kasama sa mga umaresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo sa kabila nang kumpirmasyon ni Police Capt. Jonathan Sosongco, ang team leader ng arresting team na kasama niya ang lima.  Sa pagtatanong nina Sens. Jinggoy Estrada at Bato Dela Rosa, ilang ulit na nag-invoke nang kanilang right to remain silent ang lima na naging dahilan ng pagkaka-contempt sa mga ito.  Naubos pa ang pasensya ni Estrada at tatlong beses na minura ang mga pulis nang iinvoke nila ang kanilang karapatang manahimik sa tanong kung nakatanggap sila ng tawag o mensahe mula kay Sosongco para sa kanilang operasyon. Iginiit kasi ng limang pulis na hindi si Mayo ang kanilang inaresto bagkus ay ang inmate na si Ney Atadero na unang naaresto sa WPD Lending Company.  Si Mayo naman umano ay naaresto sa Bambang bilang follow up operations.  Matapos ma-cite for contempt, binalaan pa ni Estrada ang lima na mabubulok sa kulungan kung patuloy silang magmamatigas na hindi magsabi ng katotohanan dahil hihilingin niya kay dela Rosa na hindi na muli magpatawag ng pagdinig hangga’t hindi sila handang makipagtulungan.

TAGS: bato dela rosa, contempt, news, Radyo Inquirer, bato dela rosa, contempt, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.