Mabagal na pagkilos ng NGCP sa transmission lines ipinasisilip ni Gatchalian

Ipinasisiyasat ni  Senator Sherwin Gatchalian ang pagkaantala sa pagsasaayos ng mga electric transmission facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).   Inihain ni Gatchalian ang Senate Resolution 616 na layong matiyak  na may maaasahan at tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa bansa.   Dismayado ang senador sa NGCP dahil sa mabagal na implementasyon ng 16 transmission projects na ikinukunsiderang Energy Projects of National Significance (EPNS).   Ayon pa sa namumuno sa Senate Commitee on Energy, sa nasabing 16 proyekti, anim lang ang natapos o katumbas ng 37.5 percent lang na completion rate hanggang nitong Marso pero ang masama aniya rito ay naniningil ang NGCP ng bayad sa mga consumers para sa mga delayed projects.   Aniya pa, ang mga proyekto para sa kuryente ay naantala na ng hanggang tatlong taon habang ang mga hindi pa nakukumpleto ay inabot na ng limang taon.   Tinukoy din ni Gatchalian ang 168  proyekto sa ilalim ng Transmission Development Plan (TDP) kung saan 56  ay nasa pre-construction stage, 30  ang hindi pa tapos at 138 na proyekto naman ang naantala.

Read more...