Pirmado na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansang inihain ni dating three-term Congressman at kasalukuyang Councilor Alfred Vargas na pormal na nagtatatag sa programang “Libreng Sakay” sa lungsod.
“Sa isinulong nating Ordinance No. SP-3184, S-2023, magagarantiya na natin ang sustainability ng Q City Bus program na sinimulan at itinatag ni Mayor Joy Belmonte at tinatangkilik ng libu-libong pasahero araw-araw,” pahayag ni Vargas.
Sa ilalim ng ordinansa, pamamahalaan ng Quezon City Traffic and Transportation Management Department ang implementasyon ng Q City Bus program at lalaanan naman ito ng taunang budget ng City Council.
Ayon kay Vargas, mahigit 12 million passenger rides na ang naitala sa walong ruta na sakop ng Q City Bus program at dahil dito ay priority measure ng parehong executive at legislative departments ng lungsod ang pagpapatibay nito.
Pinasalamatan ni Vargas si Mayor Belmonte sa pagbibigay-diin sa mga programang nagpapaginhawa ng buhay ng mga mamamayan, gayundin sa mga kasama niya sa City Council sa kanilang pag-suporta sa kanyang ordinansa.
“Napakarami ang tumatangkilik sa programang ito at natutuwa tayo na agad na binigyang suporta ng aking mga kasama sa City Council at ni Mayor Joy ang ating panukala na gawin itong permanenteng programa ng lungsod,” sabi ni Vargas.
Dahil sa programang ito, malaki ang natitipid ng mga residente ng lungsod, at ang natitipid nila ay naidadagdag sa kanilang pangtustos sa medisina, kuryente, pagkain at iba pang batayang pangangailagan, dagdag pa nya.
Sinabi pa ni Vargas na siya mismo ay nakasakay na sa libreng bus service ng lungsod mula Novaliches.
“Naranasan natin ang efficiency, convenience at safety sa mga bus ng ating lungsod. Everyone deserves a comfortable travel to work or school, one that values their time and well-being,” ayon kay Vargas.
Dagdag ni Vargas, makakaasa ang mga taga-Quezon City na lagi syang maghahain ng mga ordinansa na nagsusulong nga dagdag na welfare and social service programs.
“Nangunguna talaga ang QC in terms of social progress at innovation sa services. Marami na ang nagtatangkang gayahin ang Q City Bus sa kanilang mga locality at tayo ang kanilang modelo at ehemplo,” ani Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.