Estrada may apila para sa mga residente ng Pag-Asa Island

By Jan Escosio May 23, 2023 - 09:11 AM
Umapila si Senador Jinggoy Estrada sa mga kasamahan sa Senado na bigyang atensyon ang mga residente ng Pag-Asa Island para umangat ang uri ng kanilang pamumuhay.   Ayon sa senador, hindi dapat maging dahilan ang pagiging isolated at remote ng Pagasa Island upang pabayaan na lamang ang mga nakatira roon.   Ipinaalala ni Estrada na obligasyon ng mga lingkod-bayad na tiyakin ang edukasyon, healthcare at kabuhayan ng mga residente ng isla.   Sa datos, kabuuang 350 ang sibilyang nananatili sa Pag-asa Island, kabilang na ang 73 bata.    Kinatigan naman ni Senate President Migz Zubiri ang apila ni Estrada sa pagsasabing may karapatan din ang mga residente ng Pagasa Island para sa mas maayos na pamumuhay bilang sila ay mga Pilipino.    Sinabi ni Zubiri na maaaring sa pagbalangkas nila ng 2024 national budget ay mabuhusan ng dagdag na pondo ang isla para sa kanilang mga imprastraktura at serbisyong kinakailangan.

TAGS: Jinggoy Estrada, news, pagasa island, Radyo Inquirer, Jinggoy Estrada, news, pagasa island, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.