Maharlika Investment Fund Bill tadtad ng safeguards – Villar
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Siniguro ni Senator Mark Villar sa mga kapwa senador na maraming safeguards sa Maharlila Investment Fund Bill upang maiwasan ang pagkalugi.Ito ay kasunod nang pag-uusisa ni Sen. Win Gatchalian kay Villar kung handa ang Maharlika Fund na maiwasan ang kabiguan o pagkalugi tulad nang nangyari sa 1 Malaysia Development Berhad scandal. Sa naturang iskandalo, umabot sa $4.5 billion ang nawala bunsod ng katiwalian Sinabi ni Villar na protektado ang Maharlika Investment Fund ng multiple safeguards kabilang na ang pagkakaroon ng internal at external auditors; advisory board na binubuo ng financial experts mula sa public at private sectors; isang investment risk management group; congressional oversight mula sa Senado at Kamara at kahalintulad ding oversight mula sa Commission on Audit.Ipinaliwanag ni Villar na kumpara sa 1Malaysia Development Berhad na walang malinaw na kontrol, ang Maharlika Fund ay nilagyan nila ng iba’t ibang level na kontrol. Nanindigan si Villar na sapat ang mga ito upang matiyak na hindi mangyayari sa Maharlika fund ang malfeasance sa investment fund sa Malaysia.