Maharlika Investment Fund Bill tadtad ng safeguards – Villar

By Jan Escosio May 23, 2023 - 07:34 AM
Siniguro ni Senator Mark Villar sa mga kapwa senador na maraming safeguards sa Maharlila Investment Fund Bill upang maiwasan ang pagkalugi.   Ito ay kasunod nang pag-uusisa ni Sen. Win Gatchalian kay Villar kung handa ang Maharlika Fund na maiwasan ang kabiguan o pagkalugi tulad nang nangyari sa 1 Malaysia Development Berhad scandal.    Sa naturang iskandalo, umabot sa $4.5 billion ang nawala bunsod ng katiwalian    Sinabi ni Villar na protektado ang Maharlika Investment Fund ng multiple safeguards kabilang na ang pagkakaroon ng internal at external auditors; advisory board na binubuo ng financial experts mula sa  public at private sectors; isang investment risk management group; congressional oversight mula sa Senado at Kamara at kahalintulad ding oversight mula sa Commission on Audit.   Ipinaliwanag ni Villar na kumpara sa 1Malaysia Development Berhad na walang malinaw na kontrol, ang Maharlika Fund ay nilagyan nila ng iba’t ibang level na kontrol.    Nanindigan si Villar na sapat ang mga ito upang matiyak na hindi mangyayari sa Maharlika fund ang malfeasance sa investment fund sa Malaysia.

TAGS: Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer, Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.