12,426 bagong COVID 19 cases sa nakalipas na linggo

By Jan Escosio May 22, 2023 - 09:06 PM

INQUIRER PHOTO

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kabuuang 12,426 bagong  COVID 19 cases sa bansa sa nakalipas na linggo.

Dahil dito, 1,775 infections  ang average na bilang ng bagong kaso kada araw mula noong Mayo 15.

“Sa mga bagong kaso, 87 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman,” pahayag ng DOH.

May nadagdag naman na 13 sa bilang ng mga namatay, nangyari sa oagitan ng Mayo 8 hanggang kahapon, Mayo 21.

Muli, inabisuhan ng kagawaran ang publiko na huwag magpaka-kampante dahil nananatili ang banta ng sakit.

“Magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate,” payo pa ng DOH.

TAGS: COVID-19, critical, death, doh, COVID-19, critical, death, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.