Presyo ng gasolina at diesel tataas bukas

By Jan Escosio May 22, 2023 - 03:06 PM

Matapos ang magkakasunod na linggo ng pagbaba ng presyo, madadagdagan naman ang halaga ng krudo at gasolina simula bukas.

Base sa inilabas na abiso ng  Seaoil, Caltex, Jetti at Cleanfuel madadagdagan ng P0.80 ang kada ,litro ng gasolina, samantalang P0.60 naman ang ipapatong sa bawat litro nf diesel o krudo.

Samantala, ang Seaoil at Jetti ay may hiwalay na abiso na matatapyasan ng P0.10 ang halaga ng kada litro ng kerosene.

Inaasahan na susunod sa naturang hakbang ang iba pang kompaniya ng langis.

Hanggang noong Mayo 16, ayon sa Department of Energy, bumaba na ang diesel ng P5.65 kada litro, samantalang P6.30 naman sa kerosene.

At ang gasolina naman ay tumaas na ng P4.20

 

TAGS: diesel, DOE, gasolina, kerosene, diesel, DOE, gasolina, kerosene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.