Inanunsiyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na madali para sa first-time jobseekers na makakuha ng mga kinakailangan nilang dokumento sa paghahanap ng trabaho.
Bukod dito, libre ang National Certificates (NCs), Certification, Authentication and Verification (CAV), at Certificates of Competencies (CoCs) para sa first-time jobseekers na sumailalim sa Competency Assessment.
Kasunod ito nang pagpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at 14 pang ahensiya sa First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA) Joint Operational Guidelines (JOG).
Pinagtibay nito ang proseso sa pagpapalabas ng pre-employment documents para sa mga unang beses first-time jobseekers alinsunod sa Republic Act No. 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act.
Tiniyak ni TESDA chief, Usec. Danilo Cruz na makikipag-ugnayan sila sa iba pang ahensya para mapadali ang paghahanap ng trabaho.
“The signing of these joint guidelines which further streamlines procedures, signifies the government’s commitment to help our kababayans land their first jobs, and effectively increase the youth’s chances for employment,” ani Cruz.