Nagbitiw sa kanyang posisyon Land Transportstion Office chief, Attorney Jose Art Tugade, ayon sa Malakanyang.
Sa kanyang pahayag sinabi nito na magkaiba ang pamamaraan ng LTO at Department of Transportation (DOTr) para maging matagumpay ang pagsisilbi sa publiko.
Ito ang ikinatuwiran ni Tugade sa kanyang pagbibitiw.
“For this reason, I am stepping down, so Sec. Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best with,” aniya.
Pagtitiyak naman ni Tugade na patuloy niyang susuportahan ang LTO bilang pribadong mamamayan.
“I will always share in Sec. Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country,” sabi pa ni Tugade.
Sa ngayon ang LTO ay nasa gitna ng kontrobersiya sa kakapusan ng platic para sa driver’s license maging ng mga plaka ng sasakyan.
Anim na buwan lamang sa puwesto si Tugade dahil Nobyembre ng nakaraang taon nang italaga siya sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.