Taguig LGU nagsilbing host ng Meeting of Styles 2023
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Sa kauna-unahang pagkakataon, isang lokal na pamahalaan sa bansa ang naging katuwang sa pagdaraos ngayon taon ng Meeting of Styles.
Binuksan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pinakamalaking international annual graffiti, street art, and mural festival sa TLC Park sa Barangay Lower Bicutan.
“Aligned with our commitment to becoming a transformative, lively, and caring city, we continuously strive to implement comprehensive initiatives for the development of the arts through various celebrations…We are grateful and honored for this opportunity, and we hope that through this occasion, creative individuals, particularly the younger generation, will be inspired to pursue and create art,” ani Cayetano.
Ilang shipping containers ang nagsilbing canvas ng mga kilalang international artists kabilang sina Promise One ng Australia, N3rd1nk ng Brunei, Oremos ng Germany, Hardthrirteen ng Indonesia, Hoshva at Nirone kapwa ng Iran, Kaze at Koze ng Malaysia, Dear ng Netherlands, Sire ng Spain, at Y? at Youngpray kapwa mula sa Thailand.
Gayundin ng mga local artists na sina Quiccs, Egg Fiasco, Chill, Flipone, Kookoo, Meow, Nevs, Nemo, at EXLD.
Umaasa ang pamahalaang-lungsod na ang murals ay mapapabilang sa mga tourist attraction sa Taguig City.