Passenger vessel at cargo ship nagbanggaan sa Cebu, ilang pasahero nasaktan

By Jan Escosio May 22, 2023 - 10:06 AM

ROBY AMOR FB POST

Nagbangaan ang isang fast craft at isang cargo sa Mactan Channel sa Cebu, Linggo ng hapon.

Kinumpirma ng SuperCat Fast Ferry Corp., operator ng SuperCat, na may ilan sa kanilang higit 200 pasahero ang nasaktan sa insidente at ang mga ito ay inaasikaso na nila.

Nabatid na nangyari ang pagbangga ng MV St. Jhudiel sa LCT Poseidon alas-2:44 ng hapon habang padaong ito sa Port of Cebu.

:MV St. Jhudiel was immediately assisted by a tugboat from its sister company to Cebu Pier 1 where it safely disembarked all 208 passengers and crew,” ang pahayag ng SuperCat. Humingi ng ng paumanhin ang pamunuan ng SuperCat, sabay pagtitiyak na masusing iniimbestigahan na ang pangyayari katuwang ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno. Bukod dito, gumagawa na rin ng mga kinauukulang hakbang para hindi na maulit ang insidente.

TAGS: cargo vessel, cebu, passenger vessel, cargo vessel, cebu, passenger vessel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.