Sunog sa Central Post Office umabot ng General Alarm

By Jan Escosio May 22, 2023 - 08:21 AM

MANILA FIRE STATION PHOTO

Tinupok ng pitong oras na sunog ang Central Post Office sa Plaza Lawton, Maynila.

Bago mag-alas-12 ng hatinggabi nang magsimula ang sunog sa basement ng Post Office, pasado alas-4 ng madaling araw kanina nang ideklara ang Task Force Alpha, bago pa umabor sa General Alarm kaninang ala-6.

Sinabi ni  Marc Laurente, chief of staff ni Postmaster General Raul Bendigo  na bahagi ng basement ay ginagamit ng kanilang Mega Manila Area Office, na pinaglalagyan ng mga dokumento at hindi ginagamit na mga kagamitan.

Katabi nito ang lugar para naman sa mga sulat at parcels.

Tiniyak naman ni Laurente na ligtas ang National IDs dahil nakatago ito isa ibang boadega sa ibang lugar.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

 

TAGS: Lawton, post, sunog, Lawton, post, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.