Naghahanap ng magandang rason si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling magpasya ang pamahalaan na i-revoke ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pahayag ito ng Pangulo matapos sabihin ng mga mambabatas at ng Department of Energy na panahon na para-review ang prangkisa ng NGCP sa gitna ng isyu ng seguridad.
Nais ng Pangulo na matukoy kung Maganda ang performance ng NGCP at kung sumusunod sa kontrata sa pagitan ng gobyerno at ng grid corporation na dapat na imbestigahan ng Kongreso.
“Kung tatanggalin natin ang prangkisa, we will have to find somebody else to operate the grid,” pahayag ng Pangulo.
“Medyo magkakaroon tayo ng gap, walang management experience, magti-train pa tayo ng tao,” pahayag ng Pangulo.