30 pamilya apektado ng sunog sa Maynila

By Erwin Aguilon June 20, 2016 - 12:55 PM

June 20 ManilaTinatayang aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang naapektuhan sa sunog na tumupok sa mga bahay sa Mayhaligue St., Brgy. 262, Sta Cruz, Maynila.

Nagsimula ang sunog dakong 10:32 ng umaga na umabot lamang sa ikalawang alarma at ideneklarang fire under control ganap na 11:18 ng umaga.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Cecille Reyes dahil sa napabayaang kandila.

Labinlimang bahay naman ang naabo sa nasabing sunog kung saan 30 pamilya ang apektado.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.