Gatchalian sinabing dalawang ‘major issues’ sa SHS dapat suriin ng DepEd TF
Sa planong pagsusuri ng Department of Education’s (DepEd) Task Force sa pagpapatupad ng senior high school (SHS) program, sinabi ni Senator Win Gatchalian na dalawang hamon sa programa ang dapat na mapagtuunan ng ibayong pansin.
Ani Gatchalian, ito ang pagkakaroon ng trabaho ng senior high school graduates at ang pagpasok nila sa kolehiyo.
Diin ng senador, isang dekada nang ikinakasa ang K – 12 program, ngunit hindi pa rin natutupad ang kaakibat na pangako na makakakuha ng trabaho at madaling makakapasok ang nagtapos ng senior high school.
Binanggit ng Gatchalian na maraming nagtapos ng technical – vocational courses ang walang sertipikasyon at aniya napakahalaga nito upang sila ay makapasok ng trabaho.
Bukod dito, napatunayan na may mga SHS graduates ang lumabas na hindi pa handa sa kolehiyo at may mga kinuha silang subjects na naka-credit sa kolehiyo.
Dapat aniya ay may koordinasyon ang DepEd, ang Commission on Higher Education (CHED), at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matiyak ang maayos na transisyon ng senior high school graduates.
Inihain ni Gatchalian ang Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2022), na layon mapagtibay ang koordinasyon ng mga nababanggit na ahensiya para sa kapakanan ng SHS graduates sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at akademiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.