PDP-Laban, NUP, NP, at NPC tiniyak suporta kay PBBM, Romualdez

HOR PHOTO

Tatlong partido pulitikal ang nagpalabas ng magkakahiwalay ng pahayag at tiniyak ang patuloy na pagsuporta sa pamumuno ni  House Speaker Martin Romualdez at sa administrasyong- Marcos Jr.

Kasunod na rin ito ng ugong-ugong na nalikha sa pagkakatanggal kay  Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker.

“The [NUP] would like take this opportunity to reiterate our commitment to the supermajority coalition formed by Speaker Ferdinand Martin Romualdez in the House of Representatives to help President Ferdinand Marcos, Jr., achieve his vision of peace and prosperity for the nation,”  ang pahayag ng National Unity Party, na pirmado ni Ronaldo Puno, NUP chairman.

Sinabi naman ng Nationalist People’s Coalition (NPC); “The wheels of government are efficiently turning in the direction of pandemic recovery and economic progress. This is due to the efforts of President Marcos Jr. to get more investments that are creating more jobs and uplifting the lives of Filipinos.”

“We remain allied with the President and the leadership of Speaker Martin,” ang hiwalay na pahayag ni NPC chairman Vicente “Tito” Sotto III.

Kahapon naglabas na ng katulad na pahayag ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Nacionalista Party (NP).

 

Read more...