Partido Lakas-CMD suportado ang administrasyong-Marcos Jr. – Revilla

SENATE PRIB PHOTO

Tiniyak ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang patuloy na nagkakaisang suporta ng partidong Lakas-CMD sa pamumuno ni Pangulong  Marcos Jr.

Ayon kay Revilla, ang Lakas-CMD ang dominant political party ng Pilipinas at nananatili silang nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang pangulo, si House Speaker Martin Romualdez. Si Revilla ay tumatayong co-chairman ng Lakas-CMD. Ang pahayag na ito ay kasunod ng naging isyu na idinulot ng pagkakatanggal kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. Si Arroyo ang kasalukuyang chairperson emeritus ng partido. Sinabi ng Revilla na ang ilang dekada nang pagkakaisa ng partido ay pinagtibay at pinagbigkis ng pagsasama at pag-uunawaang hinubog at pinanday na ng panahon. Sa kabila aniya ng mga pagsubok ay mas lumalakas pa ang kanilang partido.

Read more...