Angara suportado ang panukalang pagtatayo ng regional specialty hospitals

By Jan Escosio May 19, 2023 - 11:04 AM

SENATE PRIB PHOTO

Todo-suporta si Senator Sonny Angara sa panukala na magtayo ng specialty hospitals sa bawat rehiyon ng bansa.

Sa kanyang pagpapahayag ng suporta sa Senate Bill 2212 o ang Regional Specialty Hospitals Act, sinabi ni Angara na malaking tulong ito sa pangangailangang-medikal ng mga kababayan natin na nasa mga liblib na lugar.

Binanggit nito na lumuluwas mula sa mga probinsiya at dumadagsa sa mga specialty hospitals sa Metro Manila ang mga taga-probinsiya para lamang magpagamot.

“Manila is not the only place where people get cancer, get heart disease, need dialysis or have lung disease. After all, many of the sick are not from NCR,” sabi pa ng senador.

Paliwanag pa nito na hindi na rin kakailanganin pa na maghanap ng mga ospital ang mga espesyalistang doktor para magamot ang kanilang mga pasyente.

Bukod pa dito aniya, magkakaroon na ng trabaho na malapit sa kanila ang healthcare workers at hindi na nila kakailanganin din na mag-trabaho sa ibang bansa at malayo sa kanilang pamilya.

“Hopefully in this way, the needed health care will be closer to the people,” sambit pa ni Angara.

TAGS: center, heart, hospital, kidney, center, heart, hospital, kidney

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.