Sen. Cynthia Villar ikinagulat na wala pang nasadlak sa Anti-Agri Smuggling Law
Hindi naitago ni Senator Cynthia Villar ang pagkamangha na sa kabila ng mga malalaking isyu ukol sa pagpupuslit ng mga produktong-agrikultural ay wala pa rin napaparusahan dahil sa paglabag sa Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Agriculture ukol sa mga resolusyon ukol sa agricultural products’ smuggling, nabanggit ni Villar na pitong taon na ang batas.
Isinagawa din ang pagdinig dahil sa panukala na amyendahan ang ilang probisyon ng naturang batas.
Ipinaalala ni Villar na ang batas ay para protektahan ang mga lokal na magsasaka at ang sektor ng agrikultura sa bansa laban sa smuggling.
“We could barely feel the positive impact of this law,” himutok ni Villar sa pagdinig.
Kabilang sa mga nais na pag-amyenda ang maisama ang hoarding, profiteering at cartel sa mga ituturing na economic sabotage.
Bukod pa dito ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force, Anti-Agricultural Smuggling Court at special prosecution team na kikilos para sa mabilis na prosekusyon ng mga paglabag sa naturang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.