Pitong pasahero ng lumubog na motorbanca nasagip ng PCG

By Chona Yu May 19, 2023 - 08:33 AM

(Courtesy: PCG)

 

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang pitong pasahero matapos lumubog ang sinasakyang motorbanca sa karagatan ng White Island at Brgy Pag-asa sa San Jose Occidental Mindoro.

Nakilala ang mga nailigtas na pasahero na sina Bryan Mark Verden, 18 anyos; Rolan Tadia, 16 anyos; Niko Vinloan, 18 anyos; Mark Gonzales, 15 anyos; Martin Jacob, 12 anyos; Erick Naldo, 21 anyos at Arvin Padua, 25 anyos.

Galing sa Calintaan at patungo sana sa San Jose, Occidental Mindoro ang motorbanca nang salubungin ng malalakas na alon.

Dahil dito, pumasok ang tubig dagat dahilan para bahagyang lumubog ang motorbanca.

Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang mga pasahero habang hinatak ang motorbanca sa baybayin ng Barangay Pag-asa sa San Jose.

 

TAGS: motorbanca, news, Occidental Mindoro, PCG, Radyo Inquirer, San Jose, motorbanca, news, Occidental Mindoro, PCG, Radyo Inquirer, San Jose

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.