Trader Joey Concepcion balik-gobyerno sa DTI

Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Go Negosyo founder Jose Maria “Joey” Concepcion bilang miyembro ng Micro, Small, and Medium Enterprise Development Council (MSMEDC).

Ang naturang ahensya ang responsable sa promosyon, pagpapalago at pagpapaunlad  ng MSMEs sa bansa.

Ayon sa  Malakanyang, ang MSMEDC ay nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Concepcion noong Martes at ang huli ay magsisilbing vice chairman ng MSMEDC.

Matatandaang itinalaga  ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Concepcion bilang presidential adviser for entrepreneurship noong 2005.

At itinalinalaga din siya ni dating Pangulong  Duterte  sa naturang posisyon noong 2016.

Read more...