Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Go Negosyo founder Jose Maria “Joey” Concepcion bilang miyembro ng Micro, Small, and Medium Enterprise Development Council (MSMEDC).
Ang naturang ahensya ang responsable sa promosyon, pagpapalago at pagpapaunlad ng MSMEs sa bansa.
Ayon sa Malakanyang, ang MSMEDC ay nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Concepcion noong Martes at ang huli ay magsisilbing vice chairman ng MSMEDC.
Matatandaang itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Concepcion bilang presidential adviser for entrepreneurship noong 2005.
At itinalinalaga din siya ni dating Pangulong Duterte sa naturang posisyon noong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.