Ibinahagi ng Maynilad Water Services, Inc, na halos 1.105 milyong litro ng malinis na tubig ang nasasayang araw-araw dahil sa mga tagas sa mga koneksyon.
Ito ay 40 porsiyento ng 2.695 milyong litro ng tubig na alokasyon sa Maynilad mula sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Pag-amin ni Maynilad Chief Operating Officer Randy Estrellado sa pagdig ng House Committee on Metro Manila Development, ito ay lubhang mas mababa na kumpara sa pagtake-over sa DMCI-MPIC Water Company noong 2006.
Aniya “minimal maintenance” sa mga tubo ng tubig ang ginawa ng DMCI-MPIC 1997 at 2006.
Paliwanag niya nabawasan ang nasasayang na tubig nang palitan ang 75 porsiyento ng mga tubo ng tubig at ginastusan ito ng P21.7 bilyon.
Mula sa 1.5 milyong litro ng nasasayang na tubig, naibaba nila ito sa 1.105 milyon.
Ngunit pag-amin ni Estrellado mataas pa rin ang numero.
Ipinatawag ang pagdinig dahil sa nararanasan na kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.