Panukalang pagpapatayo ng regional specialty hospitals inilatag sa Senado ni Sen. Bong Go

By Jan Ecosio May 18, 2023 - 05:13 PM

SENATE PRIB PHOTO

Tinalakay na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong magtatag ng specialty hospitals sa bawat rehiyon sa bansa.

Inisponsoran ni Senator Christopher Go sa plenaryo ang committee report ng Senate Bill 2212 o ang ‘Regional Specialty Centers Act.’ Kapag naging ganap na batas, magtatatag ng specialty centers sa lahat ng regional hospitals ng Department of Health (DOH)  sa loob ng limang taon. Paliwanag ni Go, ito katulad ng Philippine Heart Center, Philippine Kidney Center, National Kidney Transplan Institute, maging ng National Center for Mental Health. Ayon sa senador, Itinatakda rin ang criteria sa pagtatatag ng specialty centers katulad ng assessment sa pangangailangang pangkalusugan, demand ng populasyon, geographical access sa mga pagamutan, ang papel ng ospital bilang referral center, availability ng mga specialized healthcare professionals at operational at financial performance ng ospital. Para matiyak ang pagiging epektibo at kalidad ng mga specialty centers, makikipagugnayan ang DOH sa National Specialty Centers para makapagbigay ng kinakailangang pagsasanay, mga ekspertong tauhan at specialist equipment. Ang nasabing panukala ay kabilang sa mga priority measures ni Pangulong Marcos Jr.,  at nakapaloob na rin sa Philippine Development Plan 2023-2028.

TAGS: doh, heart, kidney, doh, heart, kidney

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.