Fire truck naaksidente sa pagresponde sa sunog, 11 sugatan

Sa tawag ng tungkulin, nalagay sa panganib ang buhay ng 11 fire volunteers nang tumagilid ang kanilang firetruck sa Paranaque City.

Nabatid na rumesponde ang fire truck sa sunog sa Hontiveros Compound 4th Estate, Barangay San Antonio nang maganap ang aksidente sa Dr. A. Santos Avenue.

Hindi pa malinaw ang ugat nang pagtagilid ng naturang firetruck.

Samantala, alas-12:53 ng hapon nang itaas ang unang alarma sa sunog na tumupok sa ilang kabahayan at makalipas ang 15 minuto ay inakyat na ito sa ikaapat na alarma.

Agad naman nirespondehan ang mga nasugatang fire volunteers at isinugod sa ospital.

 

 

 

Read more...